Privacy notice

Privacy notice

Huling update: Oktubre 2026

Anong info ang kinukuha namin

Kapag nag-book o nag-inquire ka: pangalan, mobile number, email (kung ilalagay mo), address, landmark, petsa at oras na gusto mo, detalye ng aircon, at mga notes mo.

Para saan

Para lang ma-contact ka, ma-confirm ang schedule, mapuntahan ang bahay mo, at maibigay ang serbisyo. Hindi namin ibinebenta o ibinibigay ang info mo sa iba para sa marketing.

Saan naka-save at gaano katagal

Naka-save ito sa secure na database (Cloudflare) at ang may-ari lang ng DC Airconditioning ang may access. Itinatago namin ito hangga't kailangan para sa serbisyo at follow-up, hanggang 2 taon, maliban kung hilingin mong burahin ito nang mas maaga.

Para maiwasan ang spam, nagse-save din kami ng hindi mababasang code (hash) mula sa IP address mo.

Ang mga karapatan mo

Sa ilalim ng Data Privacy Act of 2012 (RA 10173), may karapatan kang malaman, makita, ipaayos, o ipabura ang info mo. Mag-email sa ingridyngwie23@gmail.com o mag-message sa Facebook page namin.

Mag-book ng Cleaning